Dalawang kalalakihan na nangholdap sa bayan ng Labo naaresto na ng mga otoridad

Nakakustodiya na sa himpilan ng pulisya ang dalawang kalalakihan na nangholdap ng dalawang katao matapos na masakote ng mga rumespondeng operatiba mula sa himpilan ng Labo MPS bandang alas 7:10 ng gabi nitong Agosto 9, 2021 sa HillCrest Subdivision, Brgy. Bulhao, Labo, Camarines Norte.

Sa ulat ng pulisya,  bandang 7:30  ng gabi nang biglang dumulog  sa Labo MPS ang mga biktimang sina “Edward” at  “Shouvy’. Ayon sa  salaysay ng mga biktima, sa nabanggit na  oras at lugar habang sila ay naghihintay nang  masasakyan, bigla umanong dumating ang dalawang lalaking may baril at nagsabing “Holdap ito!!! dapa!! dapa!! ibigay nyo ang mga cell phone at pera!!!” at  puwersahang kinuha sa kanila ang kanilang mga cellphone. Matapos ang insidente, ang  mga suspek ay nagmadaling umalis sa lugar sakay ng isang pampasaherong tricycle

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Sa takot ng mga biktima, agad nga silang humingi ng saklolo  sa  mga pulis na agaran namang umaksyon sa kanilang sumbong. Kasama ng dalawang  biktima, mabilis na nagsagawa  ng hot pursuit  operation ang  mga  operatiba  ng Labo MPS na nagresulta sa pagkaka-aresto ng dalawang holdaper bandang 9:15 ng gabi sakay ng isang Honda motorcycle na may sidecar na positibong itinuro  ng mga biktima.

Ang mga suspek ay nakilalang sina VELMAR ORTUA Y MAŃAGO, 20 anyos, binata, walang trabaho  at si ROEL ORTUA Y PAITAN, 18 anyos, binata walang trabaho at pawang mga residente ng Purok  2, Barangay Malasugui, Labo, Camarines Norte.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Nakuha sa mga suspek ang mga ebidensya na isang malliit na kulay asul na  sling bag na naglalaman ng tatlong (3)  yunit ng cellphone(Samsung at Huawei na pagmamay-ari ng mga biktima at isang Infinix cellphone na pagmamay-ari ng isa sa suspek);Isang pirasong pabango, isang lighter at isang baby powder; Dalawang (2) maliit na piraso ng selyadong pakete ng hinihinalang  ‘shabu’; at  Isang (1) replica ng kalibre 45 na baril.

Ang mga suspek ay agad na dinala  sa Labo MPS upang kaharapin ang mga kaso para sa robbery hold-up at paglabag sa Section 11, Article II ng RA 9165.

(photo courtesy: CNPPO)