Dalawang dayuhang convicted rapists, naharang sa NAIA

Dalawang dayuhang convicted rapists ang naharang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport.

Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang dalawang sex offenders na sina Charles Henry Gabler, 52, isang Irishman, at si Mark Halligan, 29, isang Amerikano, na kapwa naharang sa NAIA terminal 3.

Si Gabler ay pinabalik ng kanyang bansa noong June 23 nang siya ay dumating sakay ng isang United Airlines flight mula Guam, habang si Halligan naman ay naharang noong July 4 lamang pagdating sakay ng isang Emirates flight mula Dubai.

Ayon kay Tansingco, ang dalawang banyaga ay nasa blacklist na ng ahensiya at pinagbawalan nang makapasok sa Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *