DOH-MIMAROPA, patuloy ang pangangalap ng mga health workers na itatalaga sa bawat lokal na pamahalaan

BATANGAS CITY – Patuloy na nangangalap ng mga posibleng maging health workers ang DOH-MIMAROPA upang mapabilang sa kanilang scholarship program.

Layunin nito na matugunan ang kinakaharap na suliranin ng rehiyon tungkol sa kakulangan ng mga health workers sa bawat munisipalidad.

Ayon kay DOH MIMAROPA Regional Director Mario Baquilod, ang mga taong posibleng maging health workers ay itatalaga sa bawat lokal na pamahalaan.

Dagdag pa ni Baquilod, ang Human Resources for Health (HRH) Deployment Program ang magsasanay sa mga health workers bago italaga sa bawat bayan.

Samantala, ilan din sa mga binibigyan ng ahensya ng oportunidad na maging manggagawa ay ang mga estudyanteng katutubo na naninirahan sa mga Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDA), na may maliit lamang ang kinikita.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *