Dalawang biktima sa naganap na shoot-out sa Brgy. Isabang, Tayabas City, nailibing na

Naihatid na sa kanilang huling hantungan ang mag-amang biktima ng shoot-out sa Brgy. Isabang, Tayabas City ngayong araw ng Biyernes, Enero 12.

Nagtipon-tipon ang mga kamag-anak ng biktima gayundin ang mga malalapit na kaibigan ng mga ito na nagtungo sa Sta. Rafael Parish upang misahan bago dumiretso sa Municipal Public Cemetery sa Tayabas City.

Read More:  Two killed after fuel tanker crashes into roadside food cart in Negros Occidental

Umalalay naman ang mga tauhan ng Camp Nakar, Quezon Provincial Police Office (QPPO), Tayabas City Police Station, at mga tanod ng Brgy. Isabang upang tiyakin ang seguridad ng mga kaanak ng mga naulila ng dalawang biktima.

Read More:  Antique vlogger dies after alleged electric shock from videoke microphone

Labis ang hinagpis ng mga naulila ng mag-ama kaya’t tanging hustisya parin ang sigaw ng mga ito sa mga kinauukulan habang patuloy na gumugulong parin ang kaso.