2 binatilyo patay, 2 sugatan at isa ang nawawala matapos ang insidente ng pamamaril sa Masbate

‘Dead on the spot’ ang dalawang binatilyo, dalawa ang sugatan at isa ang naiulat na ‘missing’ matapos ang nangyaring pamamamaril sa Brgy Tigbao, Milagros, Masbate.

Kinilala ang mga nasawi na sina Mark Vincent Consulta, 16-anyos, residente ng Brgy San Juan, Mandaon, Masbate at Jun Jun Alegre Reyes, 19-anyos, residente ng Brgy Barag, Mobo, Masbate.

Sugatan naman sina Mila Ygot Purisima, 16-anyos, naninirahan sa Brgy Barag, Mobo at Vince Consulta Bihag, naninirahan sa Brgy San Juan, Mobo, Masbate.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Naiulat naman na nawawala si Nestor Monarea Purisima, 36-anyos, may asawa at residente ng Brgy San Juan, Mandaon, Masbate.

Sa ulat na natanggap ng Brigada News, ang mga biktima ay dumalo sa isang death anniversary sa Brgy Barag, Mobo.

Pauwi na sana ang mga ito lulan ng dalawang motorsiklo nang pagdating sa Brgy Tigbao ay bigla na lang sila pinaulanan ng bala ng hindi kilalang mga suspek.

Nagtamo ng multiple gunshot wounds sina Mark Vincent Bihag at Jun Jun Reyes na naging dahilan ng kanilang pagkasawi.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Sa update na nakuha ng Brigada News, natagpuan na ang unang naiulat na nawawala na si Nestor Purisima. Ayon sa Milagros Police, may tama ito ng bala sa paa at agad na naitakbo nila sa provincial hospital.

May ‘persons of interest’ na rin ang mga awtoridad subalit patuloy ang kanilang imbestigasyon upang makakuha ng ebidensya at witnesses laban sa mga suspek.