Celine Dion muling kinansela ang European tour concerts dahil sa health issue

Inanunsiyo ni Canadian superstar Celine Dion ang pagpapaliban hangang sa 2023 ng kanyang European concert ngayong taon na may titulong “Courage World Tour”.

Sa isang video message ibinihagi ni Dion ang kanyang mga nararamdaman sa kanyang mga fans.

Ayon sa 54-anyos na singer, bagamat bumubuti na ang kanyang kalusugan, nakakaranas pa siya ng mga spasms dahil sa severe involuntary muscle contractions.

Humingi naman ito ng paumanhin sa kanyang mga fans sa muling pagkaka-udlot ng kanyang concert na unang nakansela noong 2022 dahil sa pandemic at ngayon naman ay dahil sa kanyang kalusugan.

Ang pag-iikot ng Grammy Award-winner diva ay ang kauna-unahan niyang tour mula nang pumanaw ang kanyang husband-manager na si Rene Angelil, noong 2016 dahil sa cancer.