CAMARINES NORTE- Nakapagtala muli ng dalawang panibagong kaso ng COVID- 19 ang bayan ng Mercedes, Camarines Norte.
Batay sa opisyal na pahayag ng Lokal na Pamahalaan, kapwa mayroong travel history ang dalawa sa labas ng lalawigan.
Si Bicol No 23961 ay isang 36 anyos na lalaki mula sa Barangay Hinipaan. Mayroon itong travel history sa Metro Manila.
Si Bicol No 23964 naman ay isang 42 anyos na babae na taga barangay 3. Ang pasyente ay mayroong travel history sa Camarines Sur.
Kapwa mayroon sintomas ang mga ito na naka- isolate ngayon sa Municipal Isolation Unit.
Sa ngayon ay sumampa na sa 72 ang kabuuang kaso ng sakit sa naturang bayan.
Sa bilang na ito lima ang aktibong kaso, animnapu ang gumaling at pito ang nasawi.
Patuloy naman ang paalala ng Lokal na Pamahalaan sa publiko na sundin ang Minimum Health Standards tulad ng pagsusuot ng face mask, social distancing, palagiang paghuhugas ng kamay, pag iwas sa matataong lugar at kung may pagkakataon na ay magpabakuna.
