CSC ikinukunsidera ang pagdaraos ng Fire Officer Examination at Penology Officer Examination sa lalawigan ng Camarines Norte bago matapos ang taon

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Civil Service Commission (CSC) na ikinukunsidera nila  ang pagdaraos ng Fire Officer Examination (FOE) at Penology Officer Examination (POE) sa lalawigan ng Camarines Norte bago matapos itong taon.

Ayon kay Acting Director Atty Alicia Salinas ng CSC Camarines Norte Field Office, kapag naisakatuparan ito ay magiging eklusibo lamang sa mga Cam Norteno na nagnanais na kumuha ng naturang eksaminasyon.

Aniya pinayagan na sila ng Provincial Government sa pamamagitan ng local IATF na magdaos ng naturang examination pero kailangan umanong pagplanuhang mabuti.

Target ng CSC na maisakatuparan ito sa Nobyembre o sa Disyembre.

“Sa ngayon po we are considering and we are working on mag conduct ng exam yun Penology Officer Examination and Fire Officer Examination dito sa  Camarines Norte naman,” ani Salinas sa Talakayan sa PIA.

Read More:  Wind power firm ordered to halt operations over permit violations

“Exclusive naman ito for Camarines Norte examines kasi marami talagang gustong mag -exam ng POE at FOE, so I think, I am allowed to say na yung local, yung provincial government ay pinayagan na rin naman yung CSC na makapag conduct din dito.”

Hindi kasi pinayagan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Albay na kumuha ng nabanggit na exam na gagawin sa Oktubre ang mga manggagaling sa ibang probinsiya bilang pag- iingat sa paglaganap ng COVID- 19.

Samantala, umaasa rin ang CSC na magkakaroon na ulit ng Career Service Examination – Pen and Paper Test (CSE- PPT) sa susunod na taon kung ipapahintulot ng sitwasyon.

Mula kasi ng makansela ang CSE- PPT exam noong March 2020 dahil sa COVID- 19 ay hindi pa nakapagsasagawa nito ulit sa rehiyon.

Read More:  Man found handcuffed, tied inside septic tank in Davao City

Sakaling magkaroon na uli ng ganitong examination ay asahan umano ang maraming pagbabago lalo na sa dami ng mga papayagang mag- exam sa venue.

“Naka program pa rin kami, in fact sa planning namin nakasama pa rin sa budget na by March meron pong yung schedule and sana the situation would permit na, para matuloy na rin yun, but definitely kung makakapag conduct kami ng face to face na exams yung sa professional and sub professional, marami pong changes talaga, like kahit itong FOE and POE usually kasi 25 examines per room, ngayon nga to avoid maraming crowd limited lang po ito.”

Tuloy- tuloy naman ngayon ang ginagawang refund ng CSC para sa mga nabayarang examination fee ng naudlot na March 2020 exam.