Hindi na inirerekomenda sa Malacanang ng Office of the Civil Defense (OCD) ang suspension ng klase sa mga paaralan at government agency sa National Capital Region at Region IV-A CALABARZON.
Ito ay batay sa weather forecast ng PAGASA na kaunting ulan na lamang ang mararanasan dito bukas mula sa habagat.

Kaugnay naman sa Bagyong Enteng ay inaasahan na ang pag labas nito sa Philippine Area of Responsibility (PAR) bukas. Sa huli, ipinapaubaya pa rin ng ahensya sa mga lokal na pamahalan ang kaselasyon ng klase at pasok sa mga government agency sa kani-kanilang mga lugar.