Naghain ng mosyon sa Pasig Regional Trial Court Branch 159 ang kampo ni Apollo Quiboloy para mailipat ito sa isang ospital sa Davao City.
Sa pulong balitaan sa Kampo Crame, sinabi ni PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, nais magpalipat ni Quiboloy at kapwa-akusado nito na si Ingrid Canada sa Veterans Memorial Medical Center sa Davao City.
Ito ay dahil umano sa kanilang existing medical conditions.
Ayon kay Fajardo, ni-require ng korte ang PNP na tingnan ng government doctors sina Quiboloy at Canada kaugnay ng hirit na hospital arrest.
Samantala, dinenay na ng korte ang hiling ng kampo ni Quiboloy na mailipat ang kustodiya nito sa Armed Forces of the Philippines.
Ito’y makaraang matanggap ang objection dito ng AFP.