Dalawa patay sa salpukan ng kolong-kolong at elf truck!

Binawian ng buhay ang dalawang estudyante matapos na sumalpok ang sinasakyang kolong kolong sa isang elf truck sa kahabaan ng pambansang lansangan na nasasakupan ng Brgy. Culao, Calveria, Cagayan.

Kinilala ang mga nasawi na sina Edmar Cabuyadao, 20-anyos, driver, at si Lloyd Lagarico, 19-anyos, back rider, pawang residente ng Centro 1, Sanchez Mira, Cagayan.

Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP Claveria na mabilis ang patakbo ni Cabuyadao at nang makarating sa kurbadang bahagi ng kalsada sa Brgy.Culao, tumagilid at umangat ang side car ng kanilang sasakyan at napunta sa linya ng kasalubong na elf truck na minamaneho ni Erwin Ilovino, 51-anyos, may-asawa, at residente ng Brgy. Magacan, Sanchez Mira.

Sumalpok ang kolong kolong sa harapang bahagi ng elf truck.

Tumilapon ang mga biktima at tumama ang kanilang mga ulo sa sementadong bahagi ng kalsada.

Naisugod pa ang mga ito sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival ng sumuring doctor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *