Dalawa patay sa banggaan ng pick up at motorsiklo sa bayan ng Basud

CAMARINES NORTE- Patay ang dalawa katao sa banggaan ng pick up at motorsiklo pasado alas 9 ng gabi noong Biyernes sa Purok 6, Barangay San Felipe sa bayan ng Basud, Camarines Norte.

Kinilala ang mga nasawi na sina Jan Blue Jay Hillera ang driver ng motorsiklo at angkas nitong si Francisco Derez  71 na pawang residente ng Purok 3 , Barangay Plaridel sa naturang bayan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, habang binabaybay ng pick up na minamaneho ng isang nagngangalang  Alberto Albao y Samonte 39, binata at residente ng Barangay Pambuhan, Mercedes ang kahabaan ng Maharlika Highway mula Barangay Tuaca patungong sentro ng Basud ay aksidenteng sinalpok nito ang kasalubong ma motorsiklo na minamaneho naman ni Hillera.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Ayon sa isang residente sa lugar na nakasaksi sa pangyayari, naukupa umano ng pick up ang linya ng kasalubong na motorsiklo kaya’t nangyari ang salpukan.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Nagtamo ng pinsala sa iba’t- ibang bahagi ng katawan ang driver at angkas ng motorsiklo na dinala sa Camarines Norte Provincial Hospital pero ideneklarang dead on arrival ng doktor.

Nagtamo naman ng kaunting pinsala sa katawan ang driver ng pick up na nasa kustodiya ngayon ng Basud Municipal Police Station para harapin ang kasong isasampa dito.