Dalawa patay habang anim sugatan matapos ang sumiklab na barilan sa labas ng kasalan sa Ottawa

NAPATAY ang dalawang katao habang anim naman ang sugatan matapos ang sumiklab ang barilan sa labas ng wedding avenue sa Ottawa, Canada.

Kinilala ang mga biktimang nasawi na sina Said Mohamed Ali, 26 gulang at Abdishakur Abdi-Dahir, 29 na gulang, pawang mga residente ng Toronto.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Sa kasalukuyan, pahayag ng Ottawa Police Homicide Unit, wala pang naaaresto sa nasabing insidente habang tinitignan naman ang lahat ng anggulo na pinag-ugatan nito.

Read More:  Thailand shortens visa-free stay for foreign tourists

Patuloy namang kinokondena ng kapulisan ang karahasang nangyari na walang puwang sa kanilang komunidad. ###Johnoah Mae A. Zepeda, Intern