LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Albay Police Provincial Office (APPO) na bumaba ang crime rate sa lalawigan ng Albay sa loob ng halos isang buwan ngayong 2023.
Ayon kay PPO Provincial Director PCol. Fernando Cunanan, Jr. simula noong Hunyo 15 hanggang Agosto 30, nakapagtala lamang sila ng 26.63% o 45 na mga kaso kumpara sa nakalipas na taon.
Aniya, sa buwan ng Agosto, mula sa 169 kaso, bumaba ito sa 124.
Binigyang-diin nito na ang pagbaba ay resulta ng pinaigting na pagpapatrolya at pagpapatupad ng batas upang tiyakin ang kapayapaan at seguridad sa lalawigan.
Batay sa tala, mula sa eight focus crime, theft ang may pinakamataas na naitalang insidente o 46 na mga kaso, sumunod ang robbery na may 26, physical injury na may 14 at rape na may 13.
Sinabi pa ni Cunanan, mababa ito kumpara sa taong 2022 na may 65 theft cases, 33 robbery cases, 29 rape cases at 17 physical injury cases.