Dalagita natagpuang patay at walang saplot sa isang bakanteng lote sa Batangas

Wala nang buhay nang matagpuan ang isang dalagita sa liblib at bakanteng lote sa Tanaunan, Batangas.

Hinala naman ng mga pulis na ang suspek sa krimen ay ang mismong nobyo ng biktima.

Kwento ng pamilya ng biktima nagpa-alam ito na may katatagpuin noong Lunes ng hapon ngunit hindi na siya nakauwi kinagabihan.

Nang gabi rin iyon, dumating sa bahay ng biktima ang 21-anyos na nobyo nito, at sinabing alam niya kung nasaan ang dalagita dahil sa tracking umano ng cellphone.

Naging suspek ang nobyo at kinalaunan ay umamin sa krimen.

Ayon sa suspek, nagdilim ang paningin niya nang saktan siya ng dalagita at gustong makipaghiwalay sa kaniya.

Mahaharap sa reklamong murder ang suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *