Dalagita ginahasa ng kanyang Amain, arestadong suspek nakuhaan ng iligal na droga

CAMARINES NORTE- Isang 56 anyos na lalaki ang inaresto ng mga tauhan ng San Lorenzo Ruiz MPS at ng 3rd Platoon ng CN 1st Provincial Mobile Force Company matapos ang sekswal na pang-aabuso sa isang menor de edad dakong 1:30 ng hapon nitong Setyembre 28, 2021 sa bayan ng San Lorenzo Ruiz, Camarines Norte.

Ang suspek ay kinilalang si alyas “Omeng”, 56 anyos, isang manghihilot, kasalukuyang kinakasama ng ina ng biktimang si alyas “Nene”, 13 anyos at pawang residente ng nabanggit na lugar.

Nadakip ang suspek matapos na magsumbong sa pulisya ang biktima kasama ng kanyang ina tungkol sa ginawang panggagahasa ng amain. Ayon sa salaysay, ang pang-aabuso ay naganap sa mismong tahanan nila  alas 7:30 ng umaga nitong Setyembre 28, 2021 habang si “Nene” ay naghuhugas ng kanilang  pinagkainan.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Agad namang tumugon sa sumbong ng biktima ang mga tauhan ng San Lorenzo Ruiz MPS at nagsagawa ng agarang operasyon upang madakip ang nasabing suspek.

Napasakamay ng mga pulis ang nasabing suspetsado at mabilis na nagsagawa ng mandatory search ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nakuhaan ang suspek ng isang katamtamang laki ng plastik na pakete na may residue ng hinihinalang shabu,  dalawang (2) pirasong maliit na pakete ng hinihinalang shabu at isang aluminum foil.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Tinatayang may bigat na 0.0621 gramo na may street value na Isang Libong Piso (Php 1,000) ang nasabing iligal na droga.

Kasong Rape in relation to RA 7610 at Violation of Sec 11 Art II of R.A 9165 naman ang inihahanda na ng San Lorenzo MPS laban sa suspek.