Mga pinoy may ‘last minute syndrome’ kaya napalawig ang voter’s reg –Comelec

LEGAZPI- Tinawag ng Comission on Election o COMELEC Albay ang mga Pilipino na may “Last Minute Syndrome” sa pagpaparehistro sa ahensya.

Ito umano ang naging dahilan kung bakit pinalawig pa hanggang Oktubre 30 ang Voter’s Registration na sana’y tapos na ngayong araw, Setyembre 30.

Ayon kay Provincial Election Supervisor Atty. Maria Aurea C. Bu-Bonao, naniniwala ito na ang dalawang taon ay sapat na para makapagparehistro ang mga botante kahit may pandemya.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Kung tutuusin umano,  sa lalawigan ng Albay, naabot nito ang target na new registrants at dahil kautusan ito ng Comelec National, kailangan pa rin nilang sumunod para bigyan pa ng pagkakaton ang mga di pa nakakaparehistro.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Samantalang, nanawagan rin si Bonao sa mga kababayan na nasanay sa last minute registration na samantalahin na ang pagpaparehistro.

Sa ngayon, ang isasagawang ektensyon ng pagpaparehistro, ay gagawin na sa mga Comelec Offices at hindi na sa mga malls o iba pang lugar.