LEGAZPI CITY – Inihayag ng Department of Agriculture (DA) Bicol na hindi pa nadedebelop ang bakuna laban sa African Swine Fever (ASF).
Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay DA Spokesperson Emily Bordado, patuloy parin niyang pinag-iingat ang publiko kahit wala nang naiulat na bagong kaso ng ASF sa rehiyon.
Aniya, sa ngayon ay na-contain na nila ang pagkalat ng virus, ngunit wala parin itong kasiguraduhan lalo pa’t anumang oras ay maaari pa ring kumalat ang nasabing sakit.
Dagdag pa niya, mahalaga na mapanatiling malinis at nadi-disinfect ang mga kulungan ng baboy.
Samantala, nagpaalala din si Bordado na iwasan ang pagpapakain ng kaning baboy dahil isa rin ito sa mga rason ng pagkalat ng sakit na ASF.