LEGAZPI CITY – Arestado ang isang 20 anyos na dalagang babae sa buy bust operation laban sa ilegal na droga sa P-1, Brgy. Cormidal, lungsod ng Tabaco.
Kinilala ang suspek na si Geraldine Morate Mataverde alays “Ghie”, 30 anyos residente ng purok 5 ng nasabing barangay. Ayon sa report, hapon ng magsagawa ng Anti-illegal Drugs Operation sa nasabing lugar kung saan ay kumagat sa pain ang suspek ng pagbentahan nito ang poseur buyer ng pinaniniwalaang shabu sa halagang P1k.
Dahil dito inaresto ng pulisya ang suspek ng ito ay magpositibo sa ilegal na droga.
Narekober sa kanya ang isang pakete ng pinaniniwalaang shabu at pera na ginamit sa pakikipagtransaksyon. Sa ngayon ay nasa kostudiya na ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.