Austria, sisimulan na ang lockdown para sa mga tao na hindi pa bakunado kontra COVID-19

Sisimulan na ng Austria ang lockdown para sa mga tao na hindi pa nababakunahan kontra COVID-19.

Sa ilalim ng lockdown measure ng Austria ay bawal lumabas ang mga tao na higit 12-anyos, na hindi pa nababakunahan maliban na lang kung may kinalaman ito sa pagbili ng essential supplies, exercise o pagpapagamot.

Sinabi ni Chancellor Alexander Schallenberg, na ang lockdown measure para sa mga unvaccinated na tao ay kauna-unahan sa buong EU sa gitna ng paglaban ng Austria sa record surge na nararanasan nito ngayon.

Iginiit ni Schallenberg na seryoso na ang sitwasyon, at mahalaga para sa kanila na gumawa ng mabibigat na hakbang laban sa COVID-19.

Bukod sa ipatutupad na lockdowns ay magsasagawa rin ang Austria ng random spot checks sa susunod na 10 araw kasama ang police patrols.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *