𝟮𝟳 𝗞𝗔𝗧𝗔𝗢 𝗡𝗔 𝗡𝗔-𝗙𝗢𝗢𝗗 𝗣𝗢𝗜𝗦𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗖𝗛𝗥𝗜𝗦𝗧𝗠𝗔𝗦 𝗣𝗔𝗥𝗧𝗬, 𝗡𝗔𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗔𝗬𝗢𝗦 𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡

Mabuti na ang kalagayan ng napaulat na dalawampu’t pitong katao sa Lunsod ng Santiago na nabiktima ng food poisoning matapos dumalo sa isang Christmas Party.

Batay sa impormasyon ng City Health Office ng nasabing lunsod, napag-alaman na nagkaroon ng Christmas party ang isang tanggapan na dinaluhan ng mga nasabing indibidwal.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Nakaranas ang mga ito ng pananakit sa tiyan at pagduduwal dahilan upang tatlo sa mga ito ay nagpa-admit nasa pagamutan na ngayo’y nakalabas na din.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Ilan sa napaulat na kinain ng mga ito sa naturang Christmas party ay vegetable salad, pansit at seafood na niluto umano ng isang catering services.