CAMARINES NORTE- Balik na sa normal operation ang Dagotdotan Filtration Facility (DFF) kung saan nagmumula ang suplay ng tubig sa Basud, Mercedes at Daet South area.
Mababatid na noong Lunes ay inanunsiyo ng Primewater ang hinggil sa naranasang mahina hanggang sa pagkawala ng suplay ng tubig sa nabanggit na mga lugar dahil nag partial operation ang DFF.
Bunsod ito ng “turbidity” o paglabo ng tubig dahil naman sa naranasang tuloy- tuloy na pag ulan simula pa noong linggo ng gabi.
Ayon kay Primewater Branch Manager Engr. Mark Anthony Muroda, balik na sa normal ang operasyon ng pasilidad dakong alas 11 Martes ng umaga.
Wala rin umanong idinulot na pinsala ang baha sa kanilang pasilidad.
Apektado ng paglabo ng Mampurog river ang naturang pasilidad kaya mayroong itong reserbang malinis na tubig mula sa raw water na ang outflow ay mina- manage ng maayos para mayroong magamit na tubig habang nagpapalinaw ng ilog.
Kapag malabo ang ilog ay partial operation lang ang pasilidad dahil hindi kaya ng filtration device ang turbidity level na lagpas sa 30 Nephelometric Turbidity unit.
