Tinanggal na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang nationwide ban sa open-pit method ng pagmimina.
Kaugnay nito, nilagdaan ni DENR Secretary Roy Cimatu ang Department Administrative Order (DAO) No. 2021-40 noong December 23, na nagpapahintulot sa open-pit mining para sa copper, gold, silver, at complex ores sa bansa.

Paliwanag ng ahensya sa kanilang rationale sa pagbabalik ng kontroberisyal na mining method, globally accpted naman umano ito, at ikinokonsidera bilang most feasible option para sa pagmimina sa near-surface o shallow ore deposits.
Binanggit pa ng DENR na ang pagpapahitulot sa open-pit mining sa bansa ay makakatulong na sumigla ang mining industry at magbibigay ng employment opportunities sa mga rural areas sa gitna ng COVID-19 pandemic.