Magkakaroon ng taas-singgil ngayong August bill para sa mga konsumer ng Meralco.
Ayon sa Meralco, P0.0327 kWh ang dagdag-singgil. Ibig sabihin P7 ang dagdag singgil sa mga komu-kunsumo ng 200kWh kada buwan.

Ang pagtaas sa singgil ng kuryente ay dahil sa pagtaas ng transmission charge ng National Grid Corporation of the Philippines matapos bumili ng reselbang kuryente.
May mga inaasahan pang dagdag singgil sa mga susunod na buwan dahil sa mga hindi pa na sisinggil ng NGCP na transmission charges at pagmahal ng benta ng kuryente at planta na pinagkukunan ng Meralco.