CAMARINES NORTE- “MGCQ OUT , alert level system IN” simula bukas ay makakabilang ang lalawigan ng Camarines Norte sa mga lugar sa Rehiyong Bicol na isasailalim sa Alert Level 2 system laban sa COVID-19
Ang Alert Level 2 ay ipapatupad sa lugar kung saan pababa na ang case transmission, at mababa pero tumataas ang health care, total bed, at ICU utilization rates.
Papayagan ang 50 porsiyento on-site, venue o seating capacity.
Pero puwede pa ring taasan ng dagdag na 10 porsiyento kung may safety seal certification ang mga industriya, gaya ng indoor visitor o tourist attractions, libraries, museums, at iba pa.
Kasama rin sa papayagan ang mga indoor entertainment venue gaya ng karaoke bars, bars, clubs, concert halls, theaters, at sinehan.
Puwede rin ang indoor dine-in services sa mga restaurant at iba pang kainan, gayundin ang indoor sports courts or venues, fitness studios, gyms, spas at iba pang indoor leisure centers o facilities.
Samantala sa Rehiyong Bicol tanging ang lalawigan ng Catanduanes ang isinailalim sa Alert Level 4
