Dagdag na bakuna VS COVID-19 sa mga edad 5-11 anyos, hinahanap na ng maraming magulang sa Naga City

NAGA CITY- Maraming magulang na ang nagtatanong kung kailan na muli magbabakuna para sa mga edad 5-11 anyos laban sa COVID-19  Naga City.

Ito ang napag-alaman ng BNFM Naga matapos na magpalabas ng schedule ang City Government na bukas na sa walk-in na nais magpabakuna na edad 12-17 anyos at mga 18-anyos pataas kahapon sa Jesse M. Robredo Coliseum.  Tulad sa Barangay Bagumbayan Sur , sinabi sa Brigada News FM Naga ng Barangay Health Worker na si Rowena Macapagal na may mga nagpapalista at nagtatanong na sa kanilang tanggapan.

Read More:  Drunk man allegedly sets own house on fire in Cebu

Karamihan sa rason ay upang may dagdag na protection ang kanilang anak sa nalalapit na limited face-to-face classes.

Ipinapaliwanag nila na wala pang karagdagang bakuna na ibinababa ang DOH-Bicol.

Una na ring sinabi ng DOH Bicol na wala kasing katiyakan kung kailan ibaba ang para sa 2nd dose kaya’t ang naroroon muna sa storage nila ang ilalaan para rito.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Samantala sa tala ng DOH sa buong rehiyon isa lamang na nasa age group ang nakaranas ng Adverse Effect Following Immunization, hindi ito sinabi kung saan lalawigan o lungsod para sa privacy. Pero ayon kay Ken Nuyda ng Epidemiology Surveillance Unit 5 na allergic reaction lamang ang naiulat sa kanila. Hinikayat naman nito ang mga magulang o guardian na i-report kung nakakaranas ng adverse effect upang magabayan ng tamang gagawin.