CAMARINES NORTE- Nakapagtala ang lalawigan ng Camarines Norte ng walong kaso ng dengue mula Pebrero 13- 26 ng taong kasalukuyan batay sa datos ng Department of Health.
Nangunguna ang lalawigan sa may pinakamataas na kaso ng naturang sakit sa rehiyon tulad ng Camarines Sur na mayroon ding walong kaso.
Gayunman mas mababa naman ito kumpara sa 18 kaso na naitala sa kaparehong panahon noong isang taon o 56 % decrease.
Tig iisang kaso ang naitala sa mga bayan ng Mercedes, Daet, Basud, Paracale, Vinzons, San Lorenzo Ruiz, Talisay at Labo.
Wala namang naitalang namatay dahil sa naturang sakit.
Mula Enero 1 hanggang Pebrero 26 kabuuang 100 kaso ng dengue sa rehiyon ang naiulat sa Philippine Integrated Diseases Surveillance and response na mas mababa sa 173 na naitala sa kaparehong panahon noong isang taon.
S kabuuan 21 kaso ang naitala sa buong rehiyon na mas mababa ng 56 % sa 48 kaso na naitala sa parehong panahon noong isang taon.
Tuloy- tuloy naman ang 4’S campaign ng DOH na Search and destroy mosquito breeding sites, Self-protection measures, Seek early consultation at Support fogging/spraying sa mga itinuturing na hotspot areas.
