LEGAZPI CITY – Magdaragdag ng mga kapulisan ang Albay Police Provincial Office (PPO) para sa pagdiriwang ng kapyestahan ni Nuestra Señora de Salvacion sa Brgy. Joroan, bayan ng Tiwi, Albay.
Ayon kay Operation Chief Col. Aldwin Gamboa ng PPO, 500 kapulisan ang kanilang ilalatag upang tumulong sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa nasabing lugar.
Nakahanda na rin ang contingency plan sa inaasahang pagdagsa ng mga deboto sa maritime procession sa Sabado, Agosto 19, 2023.
Makakasama sa unang pagkakataon sa procession ang mga imahen ng Our Lady of Antipolo mula sa Antipolo Cathedral International Shrine at Hesus Nazareno sa Quaipo na dinarayo rin ng mga deboto mula sa iba’t ibang panig ng bansa.
Sinabi rin ni Gamboa, walang poproblemahin ang mga deboto sa pagpunta sa lugar dahil mayroon ibibigay ang LGU na libreng sakay.