Responsibilidad ng mga kabataan sa darating na BSKE 2023, tinalakay ng Albay PYSDO

LEGAZPI CITY – Tinalakay ng Albay Provincial Youth and Sports Development Officer (PYSDO) ang mga responsibilidad at obligasyon ng mga kabataan sa darating na Sangguniang Kabataan (SK) election ngayong taong 2023.

Ang talakayan ay pinangunahan ni Albay PYSDO Officer na si Rhondon C. Ricafort at Provincial Election Supervisor IV na si Atty. Maria Aurea C. Bo-Bunao.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Binigyang-diin ng dalawa na dapat na iba ang SK election ngayong taon kumpara sa mga nakaraang halalan.

Binigyang-diin rin ni Bunao, ang hangarin ng indulhensiya ng lahat ng SK o kabataan sa darating na halalan, upang maging mas aktibo sa paghahain o pagtakbo sa posisyon.

Dagdag pa ni Bunao, kung tatakbo umano sa posisyon, dapat na tanungin ang sarili, una, kung kaya bang maglingkod sa publiko, at may kakayahan sa pisikal, emosyonal, at espirituwal.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Nagpaalala rin si Bunao sa mga tatakbo na paglingkuran ang mga nasasakupan nang buong puso.

Nagpaabot din si Bunao ng mensahe sa mga botante ng SK na lagging suriin kung ang mga tumatakbo sa SK ay karapatdapat sa posisyon at kayang magsilbi sa mga kabataan.