NAGA CITY-Dagat ng mga deboto ang muling nasilayan sa Traslacion Procession sa Naga City kahapon. Paglabas pa lamang ng imahe ni El Divino Rostro at Nuestra Señora De Peñafrancia , nagpupumilit nang makapasok ang mga voyador na mula sa iba’t-ibang panig ng Camarines Sur pero nahirapan sila dahil sa lakas ng pwersa ng Philippine National Police at Philippine Army na pumaikot sa mga andas.
Nang umabante sa Peñafrancia Avenue , lalo pang kumapal ang volume ng mga voyadores, hindi na mahulugang karayon. Malayo man sa andas rinig na rinig ng mga debotong nag-aabang ang sigaw ng Viva La Virgen! na tila ba dalawang taong inipon ang lakas upang maisaigaw ito muli.
Sa pagpupumilit ng mga voyador na hindi kabilang sa Comfradia De San Jose, may mga pagkakataon na nalulusatan ang mga pulis, may mga nakakakahawak sa andas, may mga naghuhubad pa ng damit sabay isinawagayway habang nasa may andas.
Bandang alas 4:45 na dumating ang estandarte ng El Divino Rostro sa Metropolitan Naga Cathedral habang bandang nag-aagaw ang liwanag at dilim o pasado alas sais naman dumating si Ina , sinalubong siya ng Resuene Vibrante at pagwagayway ng panyo ng mga nasa Cathedral.
Ipinagpasalamat ng mga dumalo ang magandang panahon, ang Naga City police Office ipinagpapasalamat ang mapayapang Traslacion. Hindi na naiwasan ang mag may nagpasaway na voyador pero ay PSMS Toby Bongon, tagapagsalita ng Naga City Police Office sa pangkalahatan payapa ang Traslacion kahit pa walang nangyaring signal jamming.