DA, tiniyak ang tulong sa mga magsasakang apektado ng Bagyong Kristine

Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na may nakahanda ng tulong na nakalaan para sa mga magsasakang nasalanta ng bagyong Kristine.

Ayon sa DA, nasa P80.21 milyong halaga ng agricultural inputs ang nakahanda para livestocks mula sa Regional Offices nito sa Cordillera Administrative Region (CAR), Central Luzon, Calabarzon, MIMAROPA, Bicol, at Eastern Visayas.

Kaugnay nito, may P25,000 loan rin ang maaari nilang mahiram sa ilalim ng Survival and Recovery (SURE) Loan Program ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC).

Nakapagtala na umano ang DA ng P80.80 milyong halaga ng pinsala ng agri-sector dahil sa epekto ng bagyo sa apat na rehiyon sa Pilipinas.

Sa ngayon, inaasahan pa ng ahensya na mas lalaki pa ang pinsala ng bagyong Kristine sa iba pang agri commodities sa bansa.