Sec. Gatchalian, bumisita sa Naga

13 na ang nasawi sa Naga City dahil sa Bagyong Kristine base sa record ng City Social Welfare and Development Office.

Nasa 35,000 na mga pamilya o 170,000 ang displaced individuals.

Problema ang tubig sa mga bahang lugar, habang hindi pa napapasok ng LGU ang Barangay Mabolo sa 19 flooded Barangays.

Sa kasalukuyan, naririto si Department of Social Welfare and Development Office Secretary sa Naga at Camarines Sur.

Read More:  Residents complain of foul odor from mango company in Malandag

Ina-assess ang mga kailangang dagdag na tulong.

Nangako ang kalihim ng foodpacks.

Sa pakikipag-usap kay Mayor Nelson Legacion, sinabi ng opisyal na maghahanda rin sila ng cash assistance.

Nakausap naman ni Camarines Sur Governor Luigi Villafuerte at 2nd District Representative LRay Villafuerte, nabanggit ang mga pangangailangan ng lalawigan at kanilang naging rescue operations.

Read More:  VP Sara Duterte camp vows full cooperation in Senate impeachment trial

262,000 pamilya o 1.3 million katao ang apektado sa probinsya hanggang kahapon; karamihan sa kanila ay ilang araw nang gutom.

Tuloy-tuloy naman ang ginagawang Boat Brigade ng lalawigan upang mahatidaan ang mga mamamayan.

Habang nasa Naga nakausap na rin ng kalihim si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa kabuoang sitwasyon. (WITH REPORTS FROM JANESSA SAVILLA – 103.1 BNFM NAGA)