GSIS, in-activate ang emergency loans para sa mga miyembrong apektado ng Bagyong Kristine

Nakabantay na rin ang Government Service Insurance System (GSIS) sa mga residenteng tinamaan ng Bagyong Kristine.

Ayon sa GSIS, mino-monitor nila ang areas sa Bicol Region, CALABARZON, MIMAROPA, Central Visayas, Negros Island Region, Eastern Visayas, at Mindanao para sa mga deklarasyon ng state of calamity.

Read More:  Facebook ban in Philippines possible as CICC warns meta over laws

Sa sandali umanong ang isang lugar ay isailalim sa state of calamity, agad na gagawing available ng GSIS ang loan sa mga kwalipikadong members at pensioners.

Read More:  DepEd strengthens student counseling after Zamboanga school shooting

Paliwanag ng ahensya na maaaring makahiram ang mga miyembro ng hanggang P20,000 kung wala ang mga itong existing emergency loan, habang ang may mga outstanding balance naman ay maaaring makapag-apply ng hanggang P40,000.