Inanunsyo ng Department of Health (DOH) na ongoing na ang kanilang discussion patungkol sa posibleng procurement ng oral Covid-19 antiviral treatment mula sa Pfizer.
Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire nagsimula ang kanilang pakikipag-usap hinggil sa Paxlovid pill kung saan may mga limitasyon ang Pilipinas sa procurement processes ayon sa batas.

Base sa clinical trials, ang naturang gamot ay nakakababa ng bilang ng nao-ospital at namamatay ng 90% matapos itong inumin.
Samantala, inindorso ng World Health Organization (WHO) ang nasabing tableta matapos ang trial analysis ng UN agency. || ARGIE ERGINA