Inamin ng Department of Agriculture (DA) na mas gusto umano ngayon mamimiling Pilipino ang imported na bawang kaysa sa local supply na higit pa sa tatlong beses ang taas ng presyo kumpara sa foreign produce.
Batay sa bagong market monitoring, sinabi ng DA, na mas maraming consumers ang tumatangkilik imported garlic sold na ibenebenta sa P80 bawat kilo kaysa sa locally produced garlic na ibenebenta sa P300 bawat kilo.
Binigyang diin din ng ahensya na bumaba ang local stock ng naturang commodity, dahil ang nakaraang taong suplay ay halos ubos na bunsod ng sunod-sunod na holidays noong Disyembre.
Sa gitna nito, nananatili naman ang Ilocos Norte at Sur bilang top producers ng bawang sa bansa na may combined 1,315.70 hectares (ha) of production area noong last quarter ng 2022.
Nabatid na ang mga bawang na ibenebenta ngayong January 2023 ay kinuha mula sa huling anihan noong 2022.
