Binigyang diin ni House Speaker Martin Romualdez na ang liderato at decision-making ni Pangulong Bongbong Marcos ang dahilan kaya nakuha umano ang higher-than-expected full-year gross domestic product (GDP) growth rate noong 2022.
Ayon kay Romualdez, na ang desisyon ng pangulo na muling buksan ang ekonomiya sa kabila ng pandemya ang nagpalakas sa growth.
Mababatid na iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang GDP sa fourth quarter ng 2022 ay lumago ng 7.2 percent, na resulta sa full-year 7.6-percent growth para sa naturang taon.
Ang naturang growth rate ay lumampas sa target ng pamahalaan na 6.5 percent hanggang 7.5 percent.
Sa gitna nito, positibo ang House Speaker na patuloy na lalago ang ekonomiya ngayong 2023.
