Naglatag na ng checkpoint o inspection station ang Department of Agriculture sa mga affected areas ng African Swine Fever o ASF sa lalawigan ng Batangas.
Ito’y para ma-contain ang pagkalat ng ASF virus.
Sinabi ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa Malacañang Insider program, hindi sila naaalarma sa pagkalat ng ASF sa Batangas dahil parating na ang ASF vaccine.
Sa katunayan, nag donate anya ang supplier ng bakuna ng 2,000 doses ng ASF vaccine at inaasahang darating bukas, kaya masisimulan nila ang pagbabakuna sa araw ng Martes.
Nabatid na walong munisipyo sa Batangas ang nag deklara ng state of calamity dahil sa pagkalat ng African Swine Fever.