Active members ng PNP, AFP na kukuha ng LTOPF, exempted na sa pagkuha ng drug test

Exempted na sa pagkuha ng drug test ang mga aktibong miyembro ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines.

Ito’y para lamang sa mga kukuha ng license to own and possess firearms o LTOPF.

Sa memorandum na ibinaba ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil, bukod sa drug test, hindi na rin kailangan sumailalim sa psychological at psychiatric examinations ang mga pulis at sundalong aktibo sa serbisyo.

Ipinatupad ang pagbabago sa aplikasyon sa lisensya sa mga baril dahil “trained” o sanay naman na ang mga pulis at sundalo sa paghawak ng baril.

Read More:  DSWD assures readiness during Habagat season

Sa bisa ng memorandum, government issued identification cards na lamang ang kailangang ipresenta ng mga pulis at sundalo para sa processing ng firearm license.

Base sa datos ng Civil Security Group, mayroong 11, 000 na mga expired na LTOPF sa PNP habang 14, 000 naman ang expired na LTOPF sa AFP.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Maliban dito, mayroon ding 25, 000 expired na Firearms Registration sa PNP at 29, 000 expired Firearms Registrations sa AFP.

Samantala, ang mga civilian gun holder naman ay required pa rin na sumailalim sa drug testing at neuro-psychiatric evaluation para makakuha at makapag-renew ng lisensya.

Nilinaw naman ni CSG spokesperson Police Lt. Col Eudisan Gultiano na hindi sakop ng bagong kautusan ang iba pang law enforcement agencies tulad ng National Bureau of Investigation, Philippine Drug Enforcement Agency at Philippine Coast Guard.