DA, inilatag ang mga plano para mapalakas ang local salt production

Ibinunyag ng Malacañang ang mga inisyal na plano na nakalatag na para ma-improve ang salt production sa bansa, na tinukoy bilang “long neglected” industry.

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, tutulong ang pamahalaan para sa modernisasyon ng industriya sa pag-aasin.

Read More:  PNP identifies two suspects in Mima Alicia killing

Dagdag no Angeles, na nagkukumahog ngayong ang gobyerno para mapalakas ang suporta para sa salt industry, upang maparami ang produksyon ng local salt sa bansa.

Nabatid na ang Department of Agriculture (DA) at iba pang government agencies ay nakabuo na ng mga plano para sa naturang agenda, atmagpapatupad rin umano sila ng mga programa para mapalakas ang salt production at suplay.

Read More:  COVID-19 cases in the Ph down 70% compared to last year

Maliban dito, palalawakin din umano ang salt production areas at isusulong ang development ng mga teknolohiya para mapabilis ang produksyon ng naturang commodity.