BNFM Bicol-NANAWAGAN ang Department of Agriculture (DA) Bicol sa lahat ng magsasaka sa rehiyon na patuloy na magtanim ng Pili.
Ang rehiyong Bicol ay kilala sa pagiging top producer ng Pili sa buong bansa na pumapalo sa kabuong 80% ang kabuoang porsyento.
Ayon kay Maricris Reforba, Assistant Regional Coordinator of High Value Crops Development Program (HVCDP) ng DA Bicol, malaki umano ang demand ng Pili sa pandaigdigang merkado.
Kaya naman patuloy ang paghihikayat nila sa mga bicolano na patuloy na magtani ng Pili para mas mapataas pa ang kalidad at produksyon nito. ### KENNETH BERMIL