Mga lumang VCM units ng COMELEC, planong i-donate para magamit ng DepEd

Plano ng Commission on Elections (COMELEC) na i-donate ang mga lumang vote counting machine (VCM) units sa Department of Education (DepEd) upang magamit pa ito sa ibang pangangailangan.

Ayon kay Comelec Chairperson George Garcia, io-offer nila ang mga VCMs nang libre.

Read More:  TOWNS Foundation expresses disappointment over Sen. Legarda’s political move

Kaugnay nito ay nananawagan ang komisyon kay Education Secretary Sonny Angara na pag-isipan ito, at baka may iibang pwedeng magawa sa mga ito para maging operational.

Kahit aniya pang-check ng mga papel ng mga estudyante tuwing exam ay baka maaari itong makatulong.

Read More:  President may appoint senator or lawmaker as replacement if VP Sara is impeached

Batay sa Comelec, hindi bababa sa 93,000 VCM units ang nakalagay sa warehouse ng ahensya.

Noong May 2023, sinabi ng poll body na ang mga units na ito ay ‘unserviceable.’