Coordination meeting kasama ang LSWDO ng mga lugar na apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon, isinagawa

LEGAZPI CITY – Isinagawa ang coordination meeting kasama ang Local Social Welfare and Development Officers (LSWDOs) ng mga lungsod at munisipalidad na apektado ng pagputok ng Bulkang Mayon.

Kasama sa nasabing pagpupulong ang mga Non-Government Organizations (NGOs) na pinamamahalaan ng PSWDO Albay.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Ang mga layunin ng nasabing pagpupulong ay upang magkaroon ng sistematiko at organisadong probisyon ng mga serbisyo sa mga IDP, upang maiwasan ang pagdoble ng paghahatid ng serbisyo at upang magkaroon ng mga pantulong na serbisyo na ibinibigay ng mga NGA at NGO at mga pribadong donor.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Nagpaabot naman ng lubos na pasasalamat ang PSWDO Albay sa LSWDOs at NGOs, tulad ng Social Action Center – Legazpi,  Good Neighbors International Inc, EDUCO Philippines, Children International (Bicol) Inc., JCI Legazpi Dawani, UN-International Organizations for Migration-Legazpi at lalo na sa mga private donors, para sa pagsuporta sa gawaing ito.