DITO ilang araw nang inuulan ng reklamo sa FB page mula sa mga dismayadong customer

Pinutakte ng mga reklamo mula sa mga dismayadong customer ang facebook page ng Dito Telecommunity Corporation.

Napansin na ilang araw nang walang patid ang reklamo ng mga netizen dahil apektado ng umano’y palpak na serbisyo ng Dito ang kanilang mga trabaho at iba pang mga gawain sa araw-araw.

Ilan sa mga hinaing ng customer ay ang mahina o kawalan ng signal, mabagal o kawalan ng internet connection, hindi paggana ng app, SIM cards na hindi compatible sa ibang phones, at mga promotion na hindi naman umano napakikinabangan.

Ang ilan pa sa hinaing ng mga netizen:

“Busit na DITO ilang araw nang walang signal kainis”

“Improve nyo sana signal nyo lalo na sa hindi compatiable phones. Kasi walang pang bili ng bagong phone”

“DITO!! INSTEAD OD PUBLISHING PROMO ADS please fix your CONNECTION ISSUE!! We cannot work properly! Now i don’t have connection!!”

“fix ur signal gere in makilala north cotabato I will not use foul words anymore just do ur job guys!! Hey!!! Im pointing out the people who’s working inside on DITO TELECOM. Its already 2022. Work hard for ur company! And aim for more subscribers”

“PALPAK NA SIGNAL NYOOO! SA UNA LANG KAYO MAGALING!! ANO NA!? SAYANG 199 KONG LOAD SA GINAGAWA NYOO!! PURO LOADING KAKALOAD KO LANG!! AYUSIN NYOOO! IMBIS NA MAS MABILIS NETWORK NYO LALO PA BUMAGAL PAG DATING NG 2022!! AYUSIN NYO NAMAN!!