‘Cycling priest’ na si Fr. Picardal, pumanaw na

Inanunsyo ng Redemptorist Missionaries sa Cebu Province ang pagpanaw ni Fr. Amado ‘Picx’ Picardal, CSsR – ang paring nagsusulong ng krusada laban sa umano’y extrajudicial killings sa Davao City.

Paglalarawan ni provincial superior Fr. Edilberto Cepe, si Fr. Picx ay isang ‘brilliant’ at ‘courageous’ na misyonaryo.

Read More:  Philippine debt hits record ₱19.66 trillion in September

Advocate din umano ito ng kapayapaan at social justice.

Kilala ang pari bilang “biking priest,” at siya rin ang spokesperson ng Coalition Against Summary Execution na silang nagbabantay sa Davao Death squad killings, at tumutulong sa Commission on Human Rights at Human Rights Watch na imbestigahan ang nasabing mga pagpatay.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Si Fr. Picx ay pumanaw sa edad na 69.