Cyber warrant vs Usapang Diskarte YouTube Channel, inihain na

Isinilbi na ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group ang cyber warrant para ma-disclose ang mga computer data ng YouTube Channel na ‘Usapang Diskarte’.

Hulyo nang isiwalat ni Senadora Risa Hontiveros ang mga posts at videos ng naturang channel kung saan tinuturuan nito ang kanyang mga subscribers at watchers kung papaano makadiskarte sa mga menor de edad.

Ngayong umaga, idinaan sa DOJ Office of Cybercrime ang ‘cyber warrant’ ng PNP-ACG na layong maimbestigahan ang mga data ng nasa likod ng channel sa Google/YouTube at Meta/Facebook.

Ayon kay Lt. Chonalyn Sagun ng PNP-ACG, Women and Children Cybercrime Protection Unit, sa pamamagitan ng warrant ay madidiskubre kung sino ang nagpapatakbo ng mga social media websites and channel nito.

Sa ganitong paraan ay mapapanagot ito sa batas.

Ayon naman kay Atty Gerald Vicente Sosa ng DoJ, complianat naman ang YouTube at Facebook sa mga ganitong uri ng warrant lalo na kung mayroon itong kinalaman sa child pornography at grooming.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *