PCSO at PAGCOR, dinepensahan ang hiling na budget sa pagdinig ng Kamara

Nagumpisa na ngayong umaga ang briefing ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO at Philippine Amusement and Gaming Corp. o Pagcor para sa hiling na budget nito sa House Committee on Appropriations.

Binusisi ng Kumite ang kahilingan 2023 budget ng dalawang revenue-generating agencies ng Pamahalaan.

Inisa-isa ni PCSO chairperson Junie Cua ang ticket sales nito sa lotto at iba pang mga laro mula 2017 hanggang sa unang anim na buwan ng 2022.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Bago ang pandemic, mayroon itong pinakamalaking gross retail reciepts ticket sales noong 2018 na umabot ng P63.5Billion.

Higit namang bumaba ang ktia ng PCSO noong 2020 sa P18.6Billion lamang kung saan matatandaang sinuspinde ang lotto games dahil sa pandemya.

Ngayong 2022 naman, sa 1st semester pa lamang ay nakakolekta na agad ang PCSO ng P25.9Billion.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Ito raw ay dahil sa pagbubukas ng ekonomiya ng bansa.

Inilahad ni Cua na target nilang maka-kolekta ng ticket sales sa 2023 na nagkakahalaga ng P55.78Billion.

Kaugnay nito, ipinresenta rin ng PCSO ang mga pinaglaanan nito ng kanilang kita kasama na ang mga programa para sa Universal Heallth Care Law, at ilang pang mga medical benificiaries, pati na rin ang mga trabahong nalikha para sa mga small-town lottery agents.
#