Nag-award ang Department of Trade and Industry Zambales ng Consumer Welfare Desk sa Masinloc Public Market, Masinloc, Zambales.
Nitong nakalipas na Martes ay dumalo si DTI-Zambales Dir. Enrique Tacbad at Mayor Arsenia Lim sa aktibidad.
Layon ng Consumer Welfare Desk Program na agad makapagbigay ng mabilisang solution sa mga customer complaints, mapatatag ang ugnayan sa pagitan ng mga consumers, pribadong sector at ng gobyerno.
Samantala, ang CWD ay joint project ng DTI sa probinsya at ng Zambales Consumer Affairs Council.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
PHOTO: DTI-Zambales