Violator sa basura, pagmumultahin ng doble!

KORONADAL CITY – MAS palalakihin pa ang penalidad na nakapaloob sa ordinansa ng lungsod upang sumunod ang mga hindi nagtatapon ng basura sa tamang lalagyan sa Koronadal. Ito ang inihayag ni City Mayor Eliordo Ogena kasabay sa patuloy pagmamatigas ng ibang mga indibidwal.

Ayon kay Ogena, mahirap ang paglilinis kung saan halos nalinisan na ang mga barangay ngunit may iba parin na hindi sumusunod sa mga patakan.

Read More:  Brigada News, HBONI explore healthier rice drive, feeding program with PhilRice

Nabatid na kung umuulan, lumalabas ang mga basura mula sa mga creek gayundin sa mga kanal dulot ng pag-apaw ng tubig na nagiging sanhi ng pagbaha.

Read More:  Jaro archbishop takes temporary helm of Kabankalan diocese

Panawagan ni Ogena sa lahat na kung maari i-segregate ang basura, ipasok sa sako at ang mga nabubulok ay ilibing sa lupa na makatutulong pa bilang fertilizer.

Samantala, hindi naman titigil ang City Government ng Koronadal sa pagpapatibay ng enforcement laban sa kumakalat na mga basura sa lungsod.