Personal na sumama si Bataan Gov. Joet Garcia sa ginawang inspeksyon sa karagatang sakop ng Limay at Mariveles kung saan lumubog ang MT Terra Nova at MTKR Jason Bradley kasama ang mga opisyal ng Balanga City, Orion, Office of Civil Defense at Philippine Coast Guard.
Ayon sa PCG, nitong Martes ay nagpatuloy ang contracted salvor sa pagseselyo ng 24-valves ng MT Terra Nova.
I-deneploy rin ng PCG dalawang barko na nag-asiste sa gobernador at iba pang opisyal ng gobyerno na nagsagawa ng after-sea survey kung saan nakita ang minimal slicks.
Nagsagawa na rin umano ang University of the Philippines Marine Science Institute ng water sampling sa Pasay City, Cavite, Bulacan at Bataan para i-check ang physical at chemical properties sa mga lugar.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
PHOTO: PCG