Animal health programs sa kabila ng pandemic, tinutukan ng PVet

KORONADAL CITY- SA kabila ng COVID 19 pandemic, marami pa ring accomplishment ang Provincial Veterinary Office o PVet South Cotabato sa animal health programs.

Inihayag ni Provincial Veterinary Officer Dr. Flora Bigot na noong 2021, nakapagbakuna ang kanilang tanggapan kasama ang mga municipal LGU ng 61,493 na mga aso at pusa laban sa rabies.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Umabot naman sa 5,900 na mga hayop ang nabakunahan laban sa hemosep habang 15,000 ang naisailalim sa deworming o napurga.

Nakatanggtap din ang PVet South Cotabato ng Outstanding Swine Surveillance Award mula sa Department of Agriculture- Bureau of Animal Industry Veterinary Quarantine Service Region 12 dahil sa pinaigting na implementasyon nito ng active surveillance sa iba’t ibang mga hog raisers upang maproteksyunan ang lalawigan at rehiyon laban sab anta ng African Swine Fever o ASF.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Ngayong 2022, inaaasahan na mas pagbubutihin pa ng PVet ang mga programa nito para sa mga hayop.